Posts Tagged ‘filipino’
Nosikangdashuka? Ito’y isa sa mga palaisipang bati ng ilang Pilipino na tanda ng paglago ng ating wika. Unang ryting ko i2 sa Flipno @ wla akng ma iseep n pngalan nd konseptu ng tafik kya prng klkohan lng ang bnbsa u.. Napansin ko na sa araw-araw na patuloy akong humihinga ng usok ng mga sasakyan, nakikipagtalo sa sukli sa jeepney, nakakakita ng mga tv ads ng kung sino sinong taong daig pa ang mga energy drinks kung maghimala (talagang dinaig ni “lalaban tayo” si “wag kang aayaw! think positive!”, at sa pag tunghay sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga blihin, marami pala akong dapat mapansin, kung nakakatuwa man o nakakaawa, basta ang alam ko unique talaga ang “pinoy”. Pagtutuunan ko ng pansin ang mga araw araw nating naririnig at nakikita. Ni hindi ko na kinailangan lumayo, paglabas ko pa lang sa bahay pra bumili ng ulam tumambad na sa kin ang isang bike rider na naglalako ng variety type na bilihin, ung tipong talagang may choice ka, isang malakas na hiyaw ang kanyang inisisigaw; “any baloooooot!” at kung gusto mo nman na mas specific, me kasunod pa yan; “itlog ko maalaaaat!” buti hindi nya ko nadaan sa sales talk at nagpatuloy ako sa pagbili ng monggo. [Continue Reading...] |


