Cozen Shock » cozen

“Para” saan?
Narining ko sa isang commercial sa telebisyon nito lang araw ang mga katagang “Hindi ka Pilipino kung hindi ka pa nakakasakay ng jeep!”. Huminto ang mundo ko, napaisip, natulala, hindi sa kung lahat nga ba ng mga Pinoy ay nakasakay ng jeep kung hindi sa isang bagay; at ano naman kaya ito?

Mula noong magkamalay ako at magpasahanggang ngayon  kung  kailan mas kilala pa ng mga tao sina Angel Locsin at Marian Rivera kaysa kina Julian Felipe at Jose Palma ay napagisip-isip ko ang mga pamamaraan nating mga Pilipino sa pagsakay at pagbaba ng peepney.  Ikaw?  Inihaba mo na ba ang braso  mo at sumigaw ng “Jeepney!” (imbis na “taxi” sa ibang bansa)  kapag gusto mong  pahintuin ang sasakyan?  Paano mo maipaaalam sa drayber na gusto mo ng bumaba maliban sa pagkatok ng  kisame ng jeep (kung medyo oldies) , paghila ng tali ng batengteng (Kung tugstupak style) o pagpapatulis  ng labi na para bang humahalik ng malakas (PVVVVFFT!)?. Simple lang ang kasagutan, at ito ay ang pagbikas sa mahiwagang salita na “PARA” . Ano tama ba?.  Ngunit naisip mo na ba kung ano ang ibig sabihin nito? Ano kamo? Salitang demonyo? Latin? Jejeword? Onomatopoeia?

Isa sa mga maling ginagawa nating mga Pinoy batay sa aking opinion, ay ang malaking pagwawalang bahala sa mga bagay na hindi natin naiintinihan ngunit araw-araw nating ginagamit, sinasabi  at nakikita. Isa na rito ang salitang “Para” na ginagamit din nating kung sasabihin natin ang salitang “Parahin mo na”. Gasgas na gasgas ito sa araw–araw nating pamumuhay ngunit tila walang nag abala man lamang na isipin kung ano ang salitang ito.

Batay sa aking pananaliksik gamit ang malawakang survey sa dalawang “Barker” ,  nakakuha ako ng sapat na datos para mapatunayan ang kaalaman nila sa salitang “Para”.

Lans:  “ Kuya excuse ho, san po galling ung salitang “para” kapag bababa ng dyip?”

Barker1:  “Ah yun un sa pasaheero kase bababa na, ganon yon!”

(May pumara sa tapat namin)

Barker1: ” Ayan sigurado pumara yan dung!”

Lans:  “Ah salamat ho”

Gusto kong  isabit yung shorts ni barker1 sa estribo para mahubuan siya ng salawal pero hindi ko ginawa. Inisip ko na lang na mali ang paraan ng pagtatanong ko kaya lumapit ako kay barker2 at ni-“rephrase” ko ang mga salita ko.

Lans:  “Boss pwede magtanong?”

Barker2:  “Yes please.”  (Napa”wow” ako. Naisip kong matinong kausap to.)

Lans: ”Tatanong ko lang sana kung ano ang history noong salitang “Para”, kung san yon galling na salita o kung meron ka na alam na ibang pinagmulan noon kahit konti lang ho.”

Barker2:  (Tumawag ng kasama at tinanong) “Pare san nga galing ung salitang “para “ daw, anong salita daw yon? tinatanong sakin nito. (Sabay turo sakin)

Kausap ni barker2:  “Malay ko bwisit ka kala ko kung ano! Ahhh Atipolow Sumulong simbahan Montalban San mateo mally! Ss! panorama!””

Barker2: “‘Di namin alam eh, sige ah natatae nako baka mamantot pa dito!” (sabay layas sakin)

Lans: “Cge cge boss salamat na lang”

Ok naman, natuklasan ko naman na mas matapat sila at umaamin kesa sa mga nakaupo sa gobyerno noon(ewan ko lang ngayon). Nawalan ako ng gana sa survey, nagsaliksik ako pero walang solidong paliwanag. Unti-unti ,napagtagpi-tagpi ko ang sagot; Ganito pala. Dulot ng paghahalo-halo ng kultura natin sa Pilipinas, umusbong ang mga salitang galing sa mga impluwensya ng mga banyagang bansa gaya ng “Mesa”,“Bueno”,  “Kamusta” atbp.  Ang salitang “Para” ay isang salitang Español  na kung saan maaring gamitin sa isang pangungusap sa napakaraming kabuluhan. Isa na dito ay ang paggamit nito sa pamamaraan ng pagpapahiwatig ng direksyon ng patutunguhan. Halimbawa na lang ay “Salimos PARA Londres” na ang ibig sabihin ay aalis kami upang pumunta sa London. Ang “Para” sa pangungusap na ito ay kapareho ng “para” sa Pilipinas na ginagamit bilang patungkol sa isang bagay. Maari, ngunit isang makilatis na obserbasyon lamang, na ang salitang “Para” ay humalo na sa wikang Filipino at ginamit na natin bilang pagpapaalam sa drayber kung saan tayo patungo. Maaaring ginamit na rin ito bilang palatandaan at hudyat kung kalian na natin nais bumaba at patigilin ang sasakyan. Sa tingin ko, mas tamang sabihing “Para sa tabi” kaysa payak na “Para” lang dahil kung “Para” lang, isa itong malaking tanong para sa mga nakakaintindi ng salitang ito.

Ngayong alam mo na ang ibig sabihin at patungkol ng salitang “Para”, sana’y nakatulong akong madagdagan ng katiting na kaalaman ang utak mong nagtiyagang bumasa para makaalam at makielam. Papara ka pa ba o hahalik na lang ng pasipsip ng malakas?

Lans tililing is back! (S0 huwat?? tililing yhor fac3! jejemon mode!)
Sayurin

Kung tayo ay iba’t-iba, pagdaka sana’y malaman

Na kung yaring likha’y gapok, at ako nama’y kawayan

Ay iyong pagdamutan, palo ng kalikasan

‘Di ba’t iyong ipinutak, walang ‘igan, kamag-anak?

‘Di ba’t wika mo’y lulundag, himpapawid na malawak?

‘Di ba’t sising maharlika, sa ‘di masayod na dahak?

Pano mo nga ba naatim? relos mo’y kanyang pananim

Pano natin susuriin? tanaw mo’y nadukit padilim

Sa ganang iyo, iyo parin.

Mga kalabaw na sangla, kapalit ng tako’t tisa

Dugo, pawis, kaluluwa, proyektong ngalan ay Dota

Sino ka, sino ka, anak ko’ng dakila

‘Sang tanaw sa katawan mo, ng lalaking panggap-dupok

Asong biglang naglalaway, sa makamandag na rurok

Biglang nalimot na lamang, sinisintang nasa look

Aleng dila ay matabil, Chapang mataas maningil

Santong kubrador ng pilak, pulubing pumapalakpak

Iisang katawan natin, iba’t iba ang paningin

Kung tayo’y iba-iba, pagdaka sana’y isipin

Na kung yari’y baylan, at ako ay usigin

Ay iyong pagdamutan, pagkat ako ay sayo rin

Nakakapagpabug-a-bug
Minsan isang araw, tinipon ni Pik ang kanyang mga kauring insekto  upang magpahinga at magpahangin,

“Mga kaibigan! Tara magpahangin tayo at magtipon sa silong  ng puno!”

Agad namang sumama ang ilan sa kanya ng walang pagaalinlangan. Habang sila ay nakaupo, napansin ni Pik na kinakailangan nyang basagin ang  katahimikan sa pamamamagitan ng isang hakbang kung kayat naisipan niyang sila’y aliwin ng kaunti. Tumayo siya at nagsuot ng isang sakot at nagpasimulang  ibuka ang kanyang bibig na nagsasabi,

“Gusto nyo bang malaman kung bakit kayo kayo tinipon dito?” agad namang sumagot ang mga insekto na para bang sabik na  sabik sa naghihintay nyang kasagutan.

“Opo kuya pik!bakit nga po ba?”.

Pumikit si Pik at huminga ng malalim. “Ang totoo nyan, may ilang bagay akong gustong  itanong sa inyo, mga bagay na nakikita ko at naririnig ko sa mga tao…”

Lumaki ang mga mata ng mga kasamahan nya at kumislap sa narinig. Ang buong pag-aakala  nila, sila ang hindi maintdihan ng tao at hindi ang tao ang kanilang pagtatakhan.

“Ano po ba ang mga ‘yon?” tanong ni Sab ng nakakunot ang noo. Lumakad si Pik  na animo’y isang guro na nagtuturo sa kanyang mga mag-aaral.

“Ang bawat  tao na pinalad, may pera, at may panahon ay nakakapasok sa eskwelahan upang mag-aral  at magtapos tama ba? Wika nya.

“Opo..” Sagot ni Sab.

“Marami ang natututunan nila sa silid-aralan kung kaya’t sila ang itinuturing na pinakamatalinong nilalang  ng Diyos dahil sa angkin nilang talino…” Naupo siya at kumuyakoy.

“Ngunit sa isang banda, sadyang may ilang bagay silang tinatawag na hindi ko mawari kung  bakit o paano nangyari…” patuloy nya.

“Tulad na lamang ng Blackboard na kung tutuusin ay kulay itim subalit ang mga ito ay luntian gaya ng mga damo sa  paligid nyo diba?.. Ni ang dulo ng lapis na kung tawagin ay Pencil lead ay hindi naman gawa sa tingga… hmm sadyang kaduda-duda di ba? hahaha!”

Napaisip si Sab at nanahimik ng  ilang segundo. Matapos ang ilang minuto nagtaas siya ng kamay at nagsabing,

“Ah alam ko na po,hindi po kasi maganda sa paningin ung itim kaya  pinalitan ng luntian.. O kaya naman po color-blinded yung gumawa nun! hihihi!”

Sabay ngisi ng insekto. Nagkibit balikat si Pik at nagbuntong hininga  kaalinsabay ng isa pa niyang nasasaisip,

“Eh pagdating naman ng mga mag-aaral sa Canteen ay kumakain sila ng “Pula ng itlog” na kulay dilaw eh! hahahahah!”,  gumugulong ang mga insekto sa tawanan.

“At Kuya Pik guto ko yin pong mayaman tung bakit “blawnout” ang tawag tapag walang  tulyente eh hindi naman po “blawn” ang nakikita?” ani Louie, isang batang insekto na na mahilig mag i-pod, bulol at talsik laway.

“Danun din po atukal na pula tuya, tulay blawn den po! Hay wats hapenin’ yo!”

“Sa tingin ko ang brownout ay pag walang kuryente sa araw at blackout naman kung gabi na… Pero ano naman ang silbi ng depinisyong ito kung me mga taong nag la Last Supper sa umaga hindi ba?” sagot ni Pik.

“Opo nga po Kuya Pik” singit ni Sab. “Parang Black box na kulay orange lang po iyan!”

“HeHe”, Napatingin si Pik sa malayong banda at natanaw na humapon na ang manok na hudyat na parating na ang takip silim kaya naman nagdesisyon siyang imbitahan ng umuwi ang mga insekto.

“O nakita nyo ba ang manok na iyon? Humahapon na siya, ang ibig sabhn gumagabi na at oras na ng pahinga.”

Tumingin ang mga insekto at dahan-dahang tumayo sa kinauupuan.

“At isa pa nga pala…” pahabol ni Pik.

“Po?” sagot ng mga insekto.

“Alam nyo ba kung bakit “cock-a-doodle-doo” ang “tik-ti-laok” ng manok sa ibang bansa?” tugon ni Pik.

“Di na po namin alam sumasakit na po ulo at tyan namin eh!”

“Opo nga tuya uwian na tayu!”

“O siya mga bata lagi nyo lang tatandaan na tayong mga insekto ay iba sa mga tao, nalalaman natin ang dahilan ng  bawat kilos natin, hindi tayo nakikiuso ng hindi nalalaman kung ano nga ang tama o mali o ni ang  makisama sa mga bagay na inaakala nila ay tama. Sa aking palagay, masuwerte narin tayong mga insekto.Hanggang sa muli! Paalam!”

At nagtungo ang mga insekto sa kani-kanilang pamilya upang ilahad ang karanasang hindi nila malilimutan kasabayng paglubog ang araw. (Curtain closes while conffetti falls)