Nosikangdashuka? Ito’y isa sa mga palaisipang bati ng ilang Pilipino na tanda ng paglago ng ating wika. Unang ryting ko i2 sa Flipno @ wla akng ma iseep n pngalan nd konseptu ng tafik kya prng klkohan lng ang bnbsa u.. Napansin ko na sa araw-araw na patuloy akong humihinga ng usok ng mga sasakyan, nakikipagtalo sa sukli sa jeepney, nakakakita ng mga tv ads ng kung sino sinong taong daig pa ang mga energy drinks kung maghimala (talagang dinaig ni “lalaban tayo” si “wag kang aayaw! think positive!”, at sa pag tunghay sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga blihin, marami pala akong dapat mapansin, kung nakakatuwa man o nakakaawa, basta ang alam ko unique talaga ang “pinoy”. Pagtutuunan ko ng pansin ang mga araw araw nating naririnig at nakikita. Ni hindi ko na kinailangan lumayo, paglabas ko pa lang sa bahay pra bumili ng ulam tumambad na sa kin ang isang bike rider na naglalako ng variety type na bilihin, ung tipong talagang may choice ka, isang malakas na hiyaw ang kanyang inisisigaw; “any baloooooot!” at kung gusto mo nman na mas specific, me kasunod pa yan; “itlog ko maalaaaat!” buti hindi nya ko nadaan sa sales talk at nagpatuloy ako sa pagbili ng monggo. Next stop, Quiapo, Manila. Sa lugar na ito, makikita mo ang tradisyon ng mga Pilipino, isang nagtitinda ng sorbetes katapat ang batang me hawak ng lobo. Sa tabi ng bata ay may nagtitinda ng “debede besede”. Sa kanyang likuran ay mayroon namang nagtotong its sa tagong lugar sa simbahan na sumasambit ng “aba ginoong maria napupuno ka ng barya, bumaba ka dito magtong its tayo” sabay hithit buga sa yosing binili sa isang takatak boy. Ang takatak boy naman ang superhero ng mga illegal na nagtitinda. Sa pamamagitan ng kanyang mabilis na paglalakad at pagtatakatak, agad nalalaman ng mga vendors na may pulis na dadating. Hindi upang manghuli, ngunit upang manguha ng “tong” at makiinom ng libre with refill sa mga tindero ng palamig. Ano kaya ang ibig sabihin ng “tong”? magkapareho kaya sila ng gamit sa “tong its”?.. “ma-pa”(malay ko’t pake ko) sabi ng readers ko, “sure thing duling” I second the motion ko sayo (appear!). Isang mahiwagang lugar ang Quiapo, makukuntento ka sa offers, kumbaga sa mga inumin, “ice tubig 4 sale, malamig” yan. Mula sa sex toys sa overpass, hanggang sa “Quiaporn” kung tawagin, kung saan panis ang mga fixers ng L.T.O sa dami ng mga salesman sa bubungad sayo upang mag-alok ng “debede besede” nilang bold mula pa sa kabilang kanto. Siguro nakapunta ka na sa mga computer shops. Lalo na ung katabi ng eskwelahan mo na paminsan minsa’y ginagawa mong pahingahan kung pagod ka ng maglibrary tama ba? Masaya doon, hawak mo ang mundo mo, “in” ka sa mga barkada mo, wala ding limitasyon ang oras mo hanggat me pera ka;gaya rin ng semester na uulitn mo pag nasobrahan ka sa pahinga. Kung ikaw ay observant, siguro napansin mo na ang mga linyang “no pornographic”, “serox” available, “bawal ang clepto dito” at “no students aloud here”. At some point alam kong kahit wala kang pera, pwede kang maglibang sa loob ng mga computer shops.
Travels naman tayo. The most famous jeepney who has replaced our tradisyonal kalesa for many years still continues to rule the streets. Yan din ang dahilan kung bakit me mga kabayo sa harapan ng jeepney; hindi po ferrari yon. Pagsakay ko pa lang sa jeep ay kelangan ko ng paganahin ang critical thinking ko sa pag-aanalisa kung pano ako uupo sa “kanang kaliwa” at logic kung ano ang isasagot sa tanong na “san ka galing?”.Ah basta magbabayad ako ng tama kasi “god knows hudas not pay” daw. Maging sa mga government agencies (di nako magmemention) mababasa mo ang mga salitang “submit TIN number” at “beware of dogs”.
![]() 5 Comments to nOSIkangdaShuka?Leave a Reply |





August 10th, 2009 at 3:12 pm
nice ang cute ng post kakatuwa ganito talaga tayong mga pilipino…..
kuya ang cute ng bagong design ng site ni ate sab…..
[Reply]
August 4th, 2009 at 1:55 pm
nice one! hehehe! bob ong kaw ba yan?
[Reply]
Lans Reply:
August 4th, 2009 at 10:23 pm
hi precious welcome to cozenshock,,are you the precious one of charles?
[Reply]
August 3rd, 2009 at 9:56 pm
nabasa ko to before mapost, natatawa ako sa mga details! mas maganda pla blog mo tagalog, bagay sa blog content
[Reply]
August 2nd, 2009 at 11:20 pm
Oo nga naman kuya Lans. Naku, sa dami ng mga salitang naimbento at ginawa ng mga Pilipino, kulang nalang idagdag sa dictionary e. hehe. Nice post!
[Reply]