Minsan isang araw, tinipon ni Pik ang kanyang mga kauring insekto upang magpahinga at magpahangin, “Mga kaibigan! Tara magpahangin tayo at magtipon sa silong ng puno!” Agad namang sumama ang ilan sa kanya ng walang pagaalinlangan. Habang sila ay nakaupo, napansin ni Pik na kinakailangan nyang basagin ang katahimikan sa pamamamagitan ng isang hakbang kung kayat naisipan niyang sila’y aliwin ng kaunti. Tumayo siya at nagsuot ng isang sakot at nagpasimulang ibuka ang kanyang bibig na nagsasabi, “Gusto nyo bang malaman kung bakit kayo kayo tinipon dito?” agad namang sumagot ang mga insekto na para bang sabik na sabik sa naghihintay nyang kasagutan. “Opo kuya pik!bakit nga po ba?”. Pumikit si Pik at huminga ng malalim. “Ang totoo nyan, may ilang bagay akong gustong itanong sa inyo, mga bagay na nakikita ko at naririnig ko sa mga tao…” Lumaki ang mga mata ng mga kasamahan nya at kumislap sa narinig. Ang buong pag-aakala nila, sila ang hindi maintdihan ng tao at hindi ang tao ang kanilang pagtatakhan. “Ano po ba ang mga ‘yon?” tanong ni Sab ng nakakunot ang noo. Lumakad si Pik na animo’y isang guro na nagtuturo sa kanyang mga mag-aaral. “Ang bawat tao na pinalad, may pera, at may panahon ay nakakapasok sa eskwelahan upang mag-aral at magtapos tama ba? Wika nya. “Opo..” Sagot ni Sab. “Marami ang natututunan nila sa silid-aralan kung kaya’t sila ang itinuturing na pinakamatalinong nilalang ng Diyos dahil sa angkin nilang talino…” Naupo siya at kumuyakoy. “Ngunit sa isang banda, sadyang may ilang bagay silang tinatawag na hindi ko mawari kung bakit o paano nangyari…” patuloy nya. “Tulad na lamang ng Blackboard na kung tutuusin ay kulay itim subalit ang mga ito ay luntian gaya ng mga damo sa paligid nyo diba?.. Ni ang dulo ng lapis na kung tawagin ay Pencil lead ay hindi naman gawa sa tingga… hmm sadyang kaduda-duda di ba? hahaha!” Napaisip si Sab at nanahimik ng ilang segundo. Matapos ang ilang minuto nagtaas siya ng kamay at nagsabing, “Ah alam ko na po,hindi po kasi maganda sa paningin ung itim kaya pinalitan ng luntian.. O kaya naman po color-blinded yung gumawa nun! hihihi!” Sabay ngisi ng insekto. Nagkibit balikat si Pik at nagbuntong hininga kaalinsabay ng isa pa niyang nasasaisip, “Eh pagdating naman ng mga mag-aaral sa Canteen ay kumakain sila ng “Pula ng itlog” na kulay dilaw eh! hahahahah!”, gumugulong ang mga insekto sa tawanan. “At Kuya Pik guto ko yin pong mayaman tung bakit “blawnout” ang tawag tapag walang tulyente eh hindi naman po “blawn” ang nakikita?” ani Louie, isang batang insekto na na mahilig mag i-pod, bulol at talsik laway. “Danun din po atukal na pula tuya, tulay blawn den po! Hay wats hapenin’ yo!” “Sa tingin ko ang brownout ay pag walang kuryente sa araw at blackout naman kung gabi na… Pero ano naman ang silbi ng depinisyong ito kung me mga taong nag la Last Supper sa umaga hindi ba?” sagot ni Pik. “Opo nga po Kuya Pik” singit ni Sab. “Parang Black box na kulay orange lang po iyan!” “HeHe”, Napatingin si Pik sa malayong banda at natanaw na humapon na ang manok na hudyat na parating na ang takip silim kaya naman nagdesisyon siyang imbitahan ng umuwi ang mga insekto. “O nakita nyo ba ang manok na iyon? Humahapon na siya, ang ibig sabhn gumagabi na at oras na ng pahinga.” Tumingin ang mga insekto at dahan-dahang tumayo sa kinauupuan. “At isa pa nga pala…” pahabol ni Pik. “Po?” sagot ng mga insekto. “Alam nyo ba kung bakit “cock-a-doodle-doo” ang “tik-ti-laok” ng manok sa ibang bansa?” tugon ni Pik. “Di na po namin alam sumasakit na po ulo at tyan namin eh!” “Opo nga tuya uwian na tayu!” “O siya mga bata lagi nyo lang tatandaan na tayong mga insekto ay iba sa mga tao, nalalaman natin ang dahilan ng bawat kilos natin, hindi tayo nakikiuso ng hindi nalalaman kung ano nga ang tama o mali o ni ang makisama sa mga bagay na inaakala nila ay tama. Sa aking palagay, masuwerte narin tayong mga insekto.Hanggang sa muli! Paalam!” At nagtungo ang mga insekto sa kani-kanilang pamilya upang ilahad ang karanasang hindi nila malilimutan kasabayng paglubog ang araw. (Curtain closes while conffetti falls)
![]() 20 Comments to Nakakapagpabug-a-bugLeave a Reply |




April 5th, 2010 at 3:56 pm
Hello,
I am Eymard of http://siojo.blogspot.com .
Do you mind if we exchange links?
I already linked you in my blogroll.
Hope to hear something from you.
Thanks and God bless.
[Reply]
Lans Reply:
May 1st, 2010 at 12:14 am
Sure we can!
I’ve already added u up!
YEah:)
[Reply]
March 31st, 2010 at 12:45 pm
Ganda ng kwento.. kaw nag compose nito…??? rock n roll
[Reply]
Lans Reply:
May 1st, 2010 at 12:18 am
Heloooo!
yup ako nga, naicipan ko lang gumawa para sa mga bagets..
HAHA
[Reply]
January 29th, 2010 at 1:31 pm
hi po kuya. Kamusta? Kindly relink me po, hihi. Or pafollow if you have tumblr. THANKS!
[Reply]
December 29th, 2009 at 11:51 am
aquh rin may natutunan..hehehe! danda ng kwent2..
hehehe…
[Reply]
December 21st, 2009 at 4:29 pm
weee!! I love this post kuya! haha, napa-isip tuloy ako.. hehe,
BTW, ngaun q Lng nabasa ung comment mo sa aking humble blog *bow* uuhhmmm… of course po! I’ll add you na..
Thanks a lot kuya …..? what should i call you kuya….? hehe good day and God bLess!!
[Reply]
Lans Reply:
December 21st, 2009 at 11:03 pm
welcome janile!
cge sure kuya lans nlng!:smile:
[Reply]
December 14th, 2009 at 11:25 am
Hi Lans!!!!!!!!!!!
ang tagal ko na tinitingnan ang site mo pero ngayon lang ako nakapag post
alam mo ba na naitanong ko na ren yan sa sarili ko dati pa ang tungkol sa cock a doodle doo at tiktilaok
siguro talagang pareho kami magisip ng kapatid ko na taga diyan den sa pilipinas
eto pa isa
yung kokak ng palaka sa atin, ribbit ng frog dito!hahaha
sige
sana marami ka pang ipost na makabuluhang mga bagay! ikukuwento kits sa kapatid ko malamang magustuhan a nun!
[Reply]
Lans Reply:
December 14th, 2009 at 10:33 pm
Thanks!
Ang pogi siguro ng kapatid mo noh?
hahaha!
[Reply]
December 9th, 2009 at 9:57 pm
Haha. Stig ng title!
) Gagawa nga rin ako ng sonnet eh.. title ko, “SONNgET21″ Haha!!
Bless yah more..
Nweiz, keep it up.. Flower out the ideas.. Thumbs up!
[Reply]
December 9th, 2009 at 9:15 pm
wahehehe pareho pala tyo..nadali rin kami ni ondoy..taga pasig ako eh
[Reply]
December 9th, 2009 at 2:02 pm
wow. thanks
hahaha. it means a lot lalo na po galing sayo
hahaha. wow, bf ka po ni ate xsabrina? nice.
[Reply]
Lans Reply:
December 9th, 2009 at 2:08 pm
@gail
yes po..
Thanks!
[Reply]
December 9th, 2009 at 10:36 am
Wow. I really like the title “Nakakapagpabug-a-bug” haha. Nice post Kuya Lans, I always visit your blog tinitignan ko kung may bago kang post kasi yung last post mu dati August pa eh. Good to know na may bagong post ka nanaman. BTW, thanks nga po pala sa pagvisit nyu sa blog ko. Akala ko walang bumibisita sa blog ko, meron naman pala (LOL). Ikaw po pala yung boyfriend ni ate Xsabrina? Ngayon ko lang po nalaman yun ah. I’m one of the readers of ate Sabrina pero di ko pa alam yun. Haha Good Luck sa iyo kuya Lans at sa blog mo! Pati narin sa inyo.
[Reply]
Lans Reply:
December 9th, 2009 at 12:44 pm
@ Jonard
Welcome,,yup ako ung bf nya..hehehe..
U added me up already?wow bilis ah..cge add na rin kta
Thanks!
[Reply]