Sayurin

Kung tayo ay iba’t-iba, pagdaka sana’y malaman
Na kung yaring likha’y gapok, at ako nama’y kawayan
Ay iyong pagdamutan, palo ng kalikasan

‘Di ba’t iyong ipinutak, walang ‘igan, kamag-anak?
‘Di ba’t wika mo’y lulundag, himpapawid na malawak?
‘Di ba’t sising maharlika, sa ‘di masayod na dahak?

Pano mo nga ba naatim? relos mo’y kanyang pananim
Pano natin susuriin? tanaw mo’y nadukit padilim
Sa ganang iyo, iyo parin.

Mga kalabaw na sangla, kapalit ng tako’t tisa
Dugo, pawis, kaluluwa, proyektong ngalan ay Dota
Sino ka, sino ka, anak ko’ng dakila

‘Sang tanaw sa katawan mo, ng lalaking panggap-dupok
Asong biglang naglalaway, sa makamandag na rurok
Biglang nalimot na lamang, sinisintang nasa look

Aleng dila ay matabil, Chapang mataas maningil
Santong kubrador ng pilak, pulubing pumapalakpak
Iisang katawan natin, iba’t iba ang paningin

Kung tayo’y iba-iba, pagdaka sana’y isipin
Na kung yari’y baylan, at ako ay usigin
Ay iyong pagdamutan, pagkat ako ay sayo rin


Tags: , , , , , , , , , , , , ,

1 Comment to Lans tililing is back! (S0 huwat?? tililing yhor fac3! jejemon mode!)

  1. ikogsakanding @ BLOG FOR NOOB
    May 1st, 2010 at 11:36 am

    tapos na kitang na add…. http://www.blogfornoob.com/latest/blog-links/ Thanks…. more power….

    [Reply]


Leave a Reply