Cozen Shock » New Thoughts

“Para” saan?
Narining ko sa isang commercial sa telebisyon nito lang araw ang mga katagang “Hindi ka Pilipino kung hindi ka pa nakakasakay ng jeep!”. Huminto ang mundo ko, napaisip, natulala, hindi sa kung lahat nga ba ng mga Pinoy ay nakasakay ng jeep kung hindi sa isang bagay; at ano naman kaya ito?

Mula noong magkamalay ako at magpasahanggang ngayon  kung  kailan mas kilala pa ng mga tao sina Angel Locsin at Marian Rivera kaysa kina Julian Felipe at Jose Palma ay napagisip-isip ko ang mga pamamaraan nating mga Pilipino sa pagsakay at pagbaba ng peepney.  Ikaw?  Inihaba mo na ba ang braso  mo at sumigaw ng “Jeepney!” (imbis na “taxi” sa ibang bansa)  kapag gusto mong  pahintuin ang sasakyan?  Paano mo maipaaalam sa drayber na gusto mo ng bumaba maliban sa pagkatok ng  kisame ng jeep (kung medyo oldies) , paghila ng tali ng batengteng (Kung tugstupak style) o pagpapatulis  ng labi na para bang humahalik ng malakas (PVVVVFFT!)?. Simple lang ang kasagutan, at ito ay ang pagbikas sa mahiwagang salita na “PARA” . Ano tama ba?.  Ngunit naisip mo na ba kung ano ang ibig sabihin nito? Ano kamo? Salitang demonyo? Latin? Jejeword? Onomatopoeia?

Isa sa mga maling ginagawa nating mga Pinoy batay sa aking opinion, ay ang malaking pagwawalang bahala sa mga bagay na hindi natin naiintinihan ngunit araw-araw nating ginagamit, sinasabi  at nakikita. Isa na rito ang salitang “Para” na ginagamit din nating kung sasabihin natin ang salitang “Parahin mo na”. Gasgas na gasgas ito sa araw–araw nating pamumuhay ngunit tila walang nag abala man lamang na isipin kung ano ang salitang ito.

Batay sa aking pananaliksik gamit ang malawakang survey sa dalawang “Barker” ,  nakakuha ako ng sapat na datos para mapatunayan ang kaalaman nila sa salitang “Para”.

Lans:  “ Kuya excuse ho, san po galling ung salitang “para” kapag bababa ng dyip?”

Barker1:  “Ah yun un sa pasaheero kase bababa na, ganon yon!”

(May pumara sa tapat namin)

Barker1: ” Ayan sigurado pumara yan dung!”

Lans:  “Ah salamat ho”

Gusto kong  isabit yung shorts ni barker1 sa estribo para mahubuan siya ng salawal pero hindi ko ginawa. Inisip ko na lang na mali ang paraan ng pagtatanong ko kaya lumapit ako kay barker2 at ni-“rephrase” ko ang mga salita ko.

Lans:  “Boss pwede magtanong?”

Barker2:  “Yes please.”  (Napa”wow” ako. Naisip kong matinong kausap to.)

Lans: ”Tatanong ko lang sana kung ano ang history noong salitang “Para”, kung san yon galling na salita o kung meron ka na alam na ibang pinagmulan noon kahit konti lang ho.”

Barker2:  (Tumawag ng kasama at tinanong) “Pare san nga galing ung salitang “para “ daw, anong salita daw yon? tinatanong sakin nito. (Sabay turo sakin)

Kausap ni barker2:  “Malay ko bwisit ka kala ko kung ano! Ahhh Atipolow Sumulong simbahan Montalban San mateo mally! Ss! panorama!””

Barker2: “‘Di namin alam eh, sige ah natatae nako baka mamantot pa dito!” (sabay layas sakin)

Lans: “Cge cge boss salamat na lang”

Ok naman, natuklasan ko naman na mas matapat sila at umaamin kesa sa mga nakaupo sa gobyerno noon(ewan ko lang ngayon). Nawalan ako ng gana sa survey, nagsaliksik ako pero walang solidong paliwanag. Unti-unti ,napagtagpi-tagpi ko ang sagot; Ganito pala. Dulot ng paghahalo-halo ng kultura natin sa Pilipinas, umusbong ang mga salitang galing sa mga impluwensya ng mga banyagang bansa gaya ng “Mesa”,“Bueno”,  “Kamusta” atbp.  Ang salitang “Para” ay isang salitang Español  na kung saan maaring gamitin sa isang pangungusap sa napakaraming kabuluhan. Isa na dito ay ang paggamit nito sa pamamaraan ng pagpapahiwatig ng direksyon ng patutunguhan. Halimbawa na lang ay “Salimos PARA Londres” na ang ibig sabihin ay aalis kami upang pumunta sa London. Ang “Para” sa pangungusap na ito ay kapareho ng “para” sa Pilipinas na ginagamit bilang patungkol sa isang bagay. Maari, ngunit isang makilatis na obserbasyon lamang, na ang salitang “Para” ay humalo na sa wikang Filipino at ginamit na natin bilang pagpapaalam sa drayber kung saan tayo patungo. Maaaring ginamit na rin ito bilang palatandaan at hudyat kung kalian na natin nais bumaba at patigilin ang sasakyan. Sa tingin ko, mas tamang sabihing “Para sa tabi” kaysa payak na “Para” lang dahil kung “Para” lang, isa itong malaking tanong para sa mga nakakaintindi ng salitang ito.

Ngayong alam mo na ang ibig sabihin at patungkol ng salitang “Para”, sana’y nakatulong akong madagdagan ng katiting na kaalaman ang utak mong nagtiyagang bumasa para makaalam at makielam. Papara ka pa ba o hahalik na lang ng pasipsip ng malakas?

Lans tililing is back! (S0 huwat?? tililing yhor fac3! jejemon mode!)
Sayurin

Kung tayo ay iba’t-iba, pagdaka sana’y malaman

Na kung yaring likha’y gapok, at ako nama’y kawayan

Ay iyong pagdamutan, palo ng kalikasan

‘Di ba’t iyong ipinutak, walang ‘igan, kamag-anak?

‘Di ba’t wika mo’y lulundag, himpapawid na malawak?

‘Di ba’t sising maharlika, sa ‘di masayod na dahak?

Pano mo nga ba naatim? relos mo’y kanyang pananim

Pano natin susuriin? tanaw mo’y nadukit padilim

Sa ganang iyo, iyo parin.

Mga kalabaw na sangla, kapalit ng tako’t tisa

Dugo, pawis, kaluluwa, proyektong ngalan ay Dota

Sino ka, sino ka, anak ko’ng dakila

‘Sang tanaw sa katawan mo, ng lalaking panggap-dupok

Asong biglang naglalaway, sa makamandag na rurok

Biglang nalimot na lamang, sinisintang nasa look

Aleng dila ay matabil, Chapang mataas maningil

Santong kubrador ng pilak, pulubing pumapalakpak

Iisang katawan natin, iba’t iba ang paningin

Kung tayo’y iba-iba, pagdaka sana’y isipin

Na kung yari’y baylan, at ako ay usigin

Ay iyong pagdamutan, pagkat ako ay sayo rin

nOSIkangdaShuka?
Nosikangdashuka?

Ito’y isa sa mga palaisipang bati ng ilang Pilipino na tanda ng paglago ng ating wika. Unang ryting ko i2 sa Flipno @ wla akng ma iseep n pngalan nd konseptu ng tafik kya prng klkohan lng ang bnbsa u..

Kung naintindhan mo ang naunang pangungusap bago ito, malamang isa ka ngang Pilipino;”Gifted!”, “flexible!” at “versatile!”.

Huwag mo ng kuwestyonin ang mga ingles kong isinulat dahil pangit kung sasabihin kong “talentado!”, “namamaluktot!”, at “alak sa sahig!”.

Anu raw? (tatawa after 5 seconds=genius; 10 seconds=muntik ng maging genius; more than 15 seconds=Ay kababayan ikaw na nga!).

Napansin ko na sa araw-araw na patuloy akong humihinga ng usok ng mga sasakyan, nakikipagtalo sa sukli sa jeepney, nakakakita ng mga tv ads ng kung sino sinong taong daig pa ang mga energy drinks kung maghimala (talagang dinaig ni “lalaban tayo” si “wag kang aayaw! think positive!”, at sa pag tunghay sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga blihin, marami pala akong dapat mapansin, kung nakakatuwa man o nakakaawa, basta ang alam ko unique talaga ang “pinoy”. Pagtutuunan ko ng pansin ang mga araw araw nating naririnig  at nakikita. Ni hindi ko na kinailangan lumayo, paglabas ko pa lang sa bahay pra bumili ng ulam tumambad na sa kin ang isang bike rider na naglalako ng variety type na bilihin, ung tipong talagang may choice ka, isang malakas na  hiyaw ang kanyang inisisigaw; “any baloooooot!” at kung gusto mo nman na mas specific, 	me kasunod pa yan; “itlog ko maalaaaat!” buti hindi nya ko nadaan sa sales talk at nagpatuloy ako sa pagbili ng monggo.

Next stop, Quiapo, Manila. Sa lugar na ito, makikita mo ang tradisyon ng mga Pilipino, isang nagtitinda ng sorbetes katapat ang batang me hawak ng lobo. Sa tabi ng bata ay may nagtitinda ng “debede besede”. Sa kanyang likuran ay mayroon namang nagtotong its sa tagong lugar sa simbahan na sumasambit ng “aba ginoong maria napupuno ka ng barya, bumaba ka dito magtong its tayo” sabay hithit buga sa yosing binili sa isang takatak boy. Ang takatak boy naman ang superhero ng mga illegal na nagtitinda. Sa pamamagitan ng kanyang mabilis na paglalakad at pagtatakatak, agad nalalaman ng mga vendors na may pulis na dadating. Hindi upang manghuli, ngunit upang manguha ng “tong” at makiinom ng libre with refill sa mga tindero ng palamig. Ano kaya ang ibig sabihin ng “tong”? magkapareho kaya sila ng gamit sa “tong its”?.. “ma-pa”(malay ko’t pake ko) sabi ng readers ko, “sure thing duling” I second the motion ko sayo (appear!).

Isang mahiwagang lugar ang Quiapo, makukuntento ka sa offers, kumbaga sa mga inumin, “ice tubig 4 sale, malamig” yan. Mula sa sex toys sa overpass, hanggang sa “Quiaporn” kung tawagin, kung saan panis ang mga fixers ng L.T.O sa dami ng mga salesman sa bubungad sayo upang mag-alok ng “debede besede” nilang bold mula pa sa kabilang kanto.

Siguro nakapunta ka na sa mga computer shops. Lalo na ung katabi ng eskwelahan mo na paminsan minsa’y ginagawa mong pahingahan kung pagod ka ng maglibrary tama ba? Masaya doon, hawak mo ang mundo mo, “in” ka sa mga barkada mo, wala ding limitasyon ang oras mo hanggat me pera ka;gaya rin ng semester na uulitn mo pag nasobrahan ka sa pahinga.

Kung ikaw ay observant, siguro napansin mo na ang mga linyang “no pornographic”, “serox” available, “bawal ang clepto dito” at “no students aloud here”. At some point alam kong kahit wala kang pera, pwede kang maglibang sa loob ng mga computer shops.

Travels naman tayo. The most famous jeepney who has replaced our tradisyonal kalesa for many years still continues to rule the streets. Yan din ang dahilan kung  bakit me mga kabayo sa harapan ng jeepney; hindi po ferrari yon. Pagsakay ko pa lang sa jeep ay kelangan ko ng paganahin ang critical thinking ko sa pag-aanalisa kung pano ako uupo sa “kanang kaliwa” at logic kung ano ang isasagot sa tanong na “san ka galing?”.Ah basta magbabayad ako ng tama kasi “god knows hudas not pay” daw.

Maging sa mga government agencies (di nako magmemention) mababasa mo ang mga salitang “submit TIN number” at “beware of dogs”.

Sa isang banda, ang ating bansa ay mayaman sa kultura, bagay na dapat nating ipagmalaki, o ikahiya dahil sa mga maling paggamit dito, bilang isang pilipino, hinihikayat kita na makialam, Magsuri at magtanong lalo na sa mga bagay na kusa mo na lamang nakagisnan. Ang maling mentalidad ng ating mga kababayan ay dapat ng matapos, dapat ng magbago para sa ikauunlad ng ating bayan. Teka bakit parang daig ko pa ang energy drink commercial sa ending ko?

Paturuk!
Hi folks! Well Its time for me to show you once again a very cool animal oftenly called “dove” or “pigeon” yipee! They are commonly called “kalapati” in our country and as far as I can recall, I usually see them on either Wedding ceremonies or in those cages of their breeder who sells them and makes them as a tool to get other pigeons. This is called “dagitan” in Filipino.

Pigeons have done so many things to our world that we seem to under appreciate. Did you know that medieval knights put the skin of pigeons on their sword handles to improve the grip? Well I wonder how do they do it but anyways… If you think they are weak, you might want to think again because pigeons can last longer without water than a camel can! During World war II and III, pigeons made a great role for saving not only hundreds but thousand of lives! They are responsible for the essential communications that time when all the mode of communications were banned. Musically speaking, they made a record for being oldest playable musical instrument in the World! ^_^

Pigeons are good animals in whatever aspect. As a matter of fact, the risk of a man being struck by pigeons is one occurrence every 9,300 years! Isn’t that unbelievable? You might want to say that “blah blah blah, their poos have cause much trouble on our properties!”. Although pigeon poo is seen as a major problem for property owners in the 21st Century, it was considered to be an invaluable resource in the 16th, 17th and 18th century in Europe. Pigeon poop was a highly prized fertilizer and considered to be far more potent than farmyard manure.  So prized in fact that armed guards were stationed at the entrances to dovecotes (pigeon houses) to stop thieves stealing it!  Not only this, but in England in the 16th century pigeon poop was the only known source of saltpeter, an essential ingredient of gunpowder and was considered a highly valued commodity as a result.

Don’t hurt these lovely birds, appreciate every moment you see them! for they can sleep for as long as three and a half years and in addition to that, most birds take a sip of water and throw back their heads to let the water trickle down their throats. But pigeons suck up water, using their beaks like straws making them to be unique.

I do hope that I’ve share a few new information to you guys!