Jul
23rd

“Para” saan?

Posted on July 23rd, 2010 by Lans | Filed Under » New Thoughts | 5 Comments

Narining ko sa isang commercial sa telebisyon nito lang araw ang mga katagang “Hindi ka Pilipino kung hindi ka pa nakakasakay ng jeep!”. Huminto ang mundo ko, napaisip, natulala, hindi sa kung lahat nga ba ng mga Pinoy ay nakasakay ng jeep kung hindi sa isang bagay; at ano naman kaya ito? [Continue Reading...]

May
1st

Sayurin

Kung tayo ay iba’t-iba, pagdaka sana’y malaman
Na kung yaring likha’y gapok, at ako nama’y kawayan
Ay iyong pagdamutan, palo ng kalikasan

‘Di ba’t iyong ipinutak, walang ‘igan, kamag-anak?
‘Di ba’t wika mo’y lulundag, himpapawid na malawak?
‘Di ba’t sising maharlika, sa ‘di masayod na dahak?

Pano mo nga ba naatim? relos mo’y kanyang pananim
Pano natin susuriin? tanaw mo’y nadukit padilim
Sa ganang iyo, iyo parin.

Mga kalabaw na sangla, kapalit ng tako’t tisa
Dugo, pawis, kaluluwa, proyektong ngalan ay Dota
Sino ka, sino ka, anak ko’ng dakila

‘Sang tanaw sa katawan mo, ng lalaking panggap-dupok
Asong biglang naglalaway, sa makamandag na rurok
Biglang nalimot na lamang, sinisintang nasa look

Aleng dila ay matabil, Chapang mataas maningil
Santong kubrador ng pilak, pulubing pumapalakpak
Iisang katawan natin, iba’t iba ang paningin

Kung tayo’y iba-iba, pagdaka sana’y isipin
Na kung yari’y baylan, at ako ay usigin
Ay iyong pagdamutan, pagkat ako ay sayo rin

Dec
8th

Nakakapagpabug-a-bug

Posted on December 8th, 2009 by Lans | Filed Under » Reviews | 20 Comments

Minsan isang araw, tinipon ni Pik ang kanyang mga kauring insekto upang magpahinga at magpahangin,

“Mga kaibigan! Tara magpahangin tayo at magtipon sa silong ng puno!”

Agad namang sumama ang ilan sa kanya ng walang pagaalinlangan. Habang sila ay nakaupo, napansin ni Pik na kinakailangan nyang basagin ang katahimikan sa pamamamagitan ng isang hakbang kung kayat naisipan niyang sila’y aliwin ng kaunti. Tumayo siya at nagsuot ng isang sakot at nagpasimulang ibuka ang kanyang bibig na nagsasabi,

“Gusto nyo bang malaman kung bakit kayo kayo tinipon dito?” agad namang sumagot ang mga insekto na para bang sabik na sabik sa naghihintay nyang kasagutan.

“Opo kuya pik!bakit nga po ba?”. [Continue Reading...]

Aug
2nd

nOSIkangdaShuka?

Posted on August 2nd, 2009 by Lans | Filed Under » New Thoughts | 5 Comments

Nosikangdashuka?

Ito’y isa sa mga palaisipang bati ng ilang Pilipino na tanda ng paglago ng ating wika. Unang ryting ko i2 sa Flipno @ wla akng ma iseep n pngalan nd konseptu ng tafik kya prng klkohan lng ang bnbsa u..
Kung naintindhan mo ang naunang pangungusap bago ito, malamang isa ka ngang Pilipino;”Gifted!”, “flexible!” at “versatile!”.
Huwag mo ng kuwestyonin ang mga ingles kong isinulat dahil pangit kung sasabihin kong “talentado!”, “namamaluktot!”, at “alak sa sahig!”.
Anu raw? (tatawa after 5 seconds=genius; 10 seconds=muntik ng maging genius; more than 15 seconds=Ay kababayan ikaw na nga!).

Napansin ko na sa araw-araw na patuloy akong humihinga ng usok ng mga sasakyan, nakikipagtalo sa sukli sa jeepney, nakakakita ng mga tv ads ng kung sino sinong taong daig pa ang mga energy drinks kung maghimala (talagang dinaig ni “lalaban tayo” si “wag kang aayaw! think positive!”, at sa pag tunghay sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga blihin, marami pala akong dapat mapansin, kung nakakatuwa man o nakakaawa, basta ang alam ko unique talaga ang “pinoy”. Pagtutuunan ko ng pansin ang mga araw araw nating naririnig at nakikita. Ni hindi ko na kinailangan lumayo, paglabas ko pa lang sa bahay pra bumili ng ulam tumambad na sa kin ang isang bike rider na naglalako ng variety type na bilihin, ung tipong talagang may choice ka, isang malakas na hiyaw ang kanyang inisisigaw; “any baloooooot!” at kung gusto mo nman na mas specific, me kasunod pa yan; “itlog ko maalaaaat!” buti hindi nya ko nadaan sa sales talk at nagpatuloy ako sa pagbili ng monggo. [Continue Reading...]

Page 1 of 3123